^

Probinsiya

2 suspek sa Kidapawan blast tiklo

- Nina Malu Manar at Joy Cantos -

KIDAPAWAN CITY — Pormal na kinasuhan ang dalawang kalalakihang nasa­kote ng pulisya kaugnay sa pagpapasabog sa KMCC Mall na ikinasawi ng isang sibilyan at ikinasugat naman ng walo-katao sa Kidapawan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Leo Ajero, hepe ng Kidapa­wan City PNP, ang mga sus­pek na sina Hassan Mahali­den Sulaik, 19, ng  Barangay Nuangan, Kidapawan City at Alex Takulin Sanduyugan, 20, ng Barangay Rajamuda sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Ayon kay P/Chief Supt. Felizardo Serapio, regional police director sa central Min­danao, isa sa mga pru­weba na ginamit nilang ebi­densiya laban sa dalawa ay ang na­rekober nilang baggage tag mula sa isa sa mga suspek dahil ang improvised explosive device ay isinilid sa plastic bag saka iniwan sa baggage counter ng KMCC Mall.

Nakumpiska sa bahay ng mga suspek sa Brgy. Nua­ngan ang sampung kilo ng ammonium nitrate at tatlong piraso ng 15-volt na baterya na naka-convert bilang improvised electric tester.

Ayon sa pulisya, ang mo­torsiklo na ginamit ng mga suspek na namataan ay nasa watchlist ng Task Force Cota­bato, isang joint task group ng 602nd Infantry Brigade ng Philippine Army at ng PNP.

Gayon pa man, kapwa pina­bulaanan ng mga sus­pek ang akusasyon laban sa kanila.

Ayon kay Sulaik, kaya siya naroon sa lugar ay dahil su­sunduin niya ang kanyang girlfriend na nagtatrabaho bilang saleslady ng KMCC Mall.

“Malinis ang konsiyensiya namin. Wala kaming inten­siyon na manakit ng kapwa namin,” dagdag pa ni Sulaik.

Sa rekord ng pulisya, si Sulaik ay kamag-anak ng isa sa mga suspected bomber na inaresto sa Tacurong City noong Agosto. 2007.

Samantala, sinabi ni Ki­dapawan City Mayor Rodolfo Gantuangco, ilang oras bago pasabugin ang KMCC Mall, isang tawag sa telepono ang kanyang natanggap kaugnay sa pangingikil ng P.5 milyong protection money kada bu­wan mula sa lider ng grupong Alcubar.

At kapag hindi nakapag­bigay ng malaking halaga ay pasasabugin ang KMCC Mall kaya agad na inalerto ang pu­lisya subalit bago pa ma­kordon ang nasabing mall ay umalagwa ang malakas na pagsabog.

ALEX TAKULIN SANDUYUGAN

AYON

BARANGAY NUANGAN

BARANGAY RAJAMUDA

SHY

SULAIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with