Agawan sa baril:Outgoing barangay chairman todas

CAMP VICENTE LIM, Laguna  –  Isang outgoing barangay chairman ang iniulat na na­patay matapos pagba­barilin ng kanyang ka­barangay sa naganap na mainitang pagtatalo sa bayan ng Imus, Cavite noong Saba­do ng

hapon.

Kinilala ni P/Supt. Uly­ses Cruz, Imus police chief, ang biktimang si Rodinio Ordoñez ng Ba­rangay Anabu sa na­banggit na lugar.

Sa ulat ng pulisya, na­baril si Ordoñez ng kan­yang kabarangay na si Nelson De Castro mata­pos akusahan ng una na hindi nito sinu­portahan ang kanyang kandidato noong na­karaang barangay elek­syon.

Bandang alas-5:20 ng hapon nang magkita sina Ordoñez at De Castro ma­lapit sa CDI factory ilang hakbang lang ang layo sa  barangay outpost at doon nagsimula ang mainitan nilang pagtatalo.

Habang nagtatalo ang dalawa, bumunot ng baril si Ordoñez para pa­putu­kan sana si De Castro pero naagaw ito ng huli at pi­na­pu­tukan ang barangay chairman.

Bagamat sugatan, na­kaganti rin ng putok si Or­doñez laban kay De Cas­tro matapos tamaan sa tiyan.

Kapwa itinakbo sa Our Lady Pillar Hospital  sa bayan ng Imus, ang dala­wa, subalit namatay din si Ordoñez matapos mag­tamo ng anim na tama ng bala habang ideneklara ng ligtas si De Castro. Arnell Ozaeta at Cristina Timbang

Show comments