Agawan sa baril:Outgoing barangay chairman todas
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang outgoing barangay chairman ang iniulat na napatay matapos pagbabarilin ng kanyang kabarangay sa naganap na mainitang pagtatalo sa bayan ng Imus,
hapon.
Kinilala ni P/Supt. Ulyses Cruz, Imus police chief, ang biktimang si Rodinio Ordoñez ng Barangay Anabu sa nabanggit na lugar.
Sa ulat ng pulisya, nabaril si Ordoñez ng kanyang kabarangay na si Nelson De Castro matapos akusahan ng una na hindi nito sinuportahan ang kanyang kandidato noong nakaraang barangay eleksyon.
Bandang alas-5:20 ng hapon nang magkita sina Ordoñez at De Castro malapit sa CDI factory ilang hakbang lang ang layo sa barangay outpost at doon nagsimula ang mainitan nilang pagtatalo.
Habang nagtatalo ang dalawa, bumunot ng baril si Ordoñez para paputukan
Bagamat sugatan, nakaganti rin ng putok si Ordoñez laban kay De Castro matapos tamaan sa tiyan.
Kapwa itinakbo sa Our Lady Pillar Hospital sa bayan ng Imus, ang dalawa, subalit namatay din si Ordoñez matapos magtamo ng anim na tama ng bala habang ideneklara ng ligtas si De Castro. Arnell Ozaeta at Cristina Timbang
- Latest
- Trending