ORMOC CITY – Pinaniniwalaang sangkot sa serye ng nakawan kaya binaril at napatay ang isang 45-anyos na lalaki habang ito ay naghahapunan kasama ang kanyang tatlong anak sa Barangay Patag, Ormoc City noong Biyernes ng gabi. Ayon kay PCP1 chief P/S Insp. Raymundo Graveles, kinilala ang napatay na si Rogelio Ponteres y Edano, isang sugarcane worker. Ayon kay PCP1 homicide chief SPO4 Rudy Sano, lumilitaw sa rekod ng pulisya na ang biktima ay maraming kagalit sa kanilang barangay dahil sa pagnanakaw. Kinumpirma naman ni Barangay Chairman Raul Formentera sa pulisya, na si Rogelio ay kilalang kawatan sa kanilang barangay at posibleng paghihiganti ang naganap na pamamaslang. Roberto C. Dejon