Grinipuhan dahil sa tsismis

CAVITE – Dahil lamang sa away sanhi ng tsismis ng mga misis,  nag-pang-abot ang dalawang mister da­hilan upang undayan ng saksak ang isa na kritikal ngayon sa Imus, Cavite kamakalawa ng gabi.

Dalawang tama ng saksak ang tumama sa puson ng biktimang si Noli Marquez, 34, residente ng DexterVille Legacy, Ba­rangay Malagasang sa Imus.

Agad namang tumakas ang suspek na nakilalang si Alexander Gonsalez ng B-9 L-5 sa lugar ding na­banggit.

Sinugod umano ng sus­pek at sinaksak ang biktima sa bahay nito dahil sa sum­bong ng kanyang asawa na kaalitan naman ng asawa ng biktima. (Cristina Tim­bang)

Show comments