Kinidnap na Comelec official pinalaya

Pinalaya na ng mga re­beldeng Moro  Islamic Liberation Front Lost Command ang kinidnap nilang municipal officer ng Commission on Elections sa  isang lugar sa Calanugas, Lanao del Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Casari Laguindab, election officer sa bayan ng Wao ng nasabing lalawigan. Ang biktima ay halos isang linggo ring bihag ng natu­rang mga rebeldeng Muslim.

Si Laguindab ay pina­walan dakong alas-5:45 ng hapon sa Barangay La­guno, Calanugas.  Kasa­lukuyan namang inaalam kung nagbayad ng ransom ang pamilya ng biktima kapalit  ng  pagpapalaya sa nasabing opisyal ng Comelec.

Magugunita na ang bik­tima ay dinukot noong  Nobyembre 9 sa Barangay Baggolo, Marawi City.

Ayon kay Supt. Danilo Bacas, spokesman ng PNP sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, iniwan ng mga kidnapper si Cala­nugas sa Laguno nang makita ng mga kidnapper na aali-aligid sa kanilang safehouse ang mga pulis at mga sundalo.

Ayon kay Bacas, walang ransom na ibinayad kapalit ng kalayaan ni Laguindab. (Joy Cantos at Malu Cade­lina Manar)

Show comments