Hustisya!
Isasailalim sa drug test ng pulisya ang ama at dalawang nakatatandang kapatid na lalaki ng 12 anyos na si Marianeth Amper, ang batang pi nagdududahang binigti matapos gahasain at hindi totoong nagpatiwakal dahil sa kahirapan sa Davao City.
Batay sa report, kabilang sa isasailalim sa drug test ang ama ni Marianeth na si Isabelo, 49 at dalawa niyang kuya na sina Isabelo Jr. at Renato, pawang nasa hustong gulang.
Naunang lumitaw sa awtopsiya na may lacerations sa ari ang bata na isang matibay na indikasyong ginahasa ang biktima.
Naghugas kamay naman si Isabelo Sr. na may kinalaman siya sa naganap na panggagahasa at pagpatay sa sariling anak at pinalabas lamang na nagbigti ito upang takasan ang krimen.
Inihayag ng pamilyang Amper na nabigla rin sila sa findings ng medico legal.
Magugunita na ipinag-utos ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang mas malalimang imbestigasyon matapos mapabalita na pinunit umano at itinago ng posibleng salarin ang ilang pahina ng diary ni Marianeth na may nakasulat na maaring ito ang maging dahilan ng paghihiwalay ng kaniyang mga magulang.
Pinagdududahan ni Duterte ang ama ng bata dahil hindi ito nag-report sa pulisya sa krimen na naganap sa kanilang tahanan noong Nobyembre 2 subali’t halos isang linggo na bago napabalita na nalaman lamang sa mga kapitbahay ng pamilya. Bukod dito ay matindi umano ang pagtutol nito na isailalim sa awtopsya ang bangkay ng anak dahilan kung lilitaw na na-rape ito ay baka siya pa ang mapagbintangan at iginiit na hindi niya ito magagawa sa bata.
Ikinatwiran naman ng ama ni Marianeth na wala umano siyang alam sa batas kaya hindi niya naireport sa pulisya ang insidente.
Patuloy naman ang isinasagawang imbes tigasyon ng mga awtoridad upang mabigyang hustisya ang sinapit ng kaawaawang biktima.
Naging tampok na balita sa buong bansa ang sinasabing pagpapatiwakal ni Marianeth da hil, batay sa mga nakasulat sa kanyang diary, nagawa niyang wakasan ang kanyang buhay dahil sa kahirapan at kawalang-pag-asa. Meron pa siyang isang sulat sa isang television program na hindi nya naipadala at humihiling ng mga gamit sa eskuwelahan, sapatos, bisikleta at trabaho para sa kanyang mga magulang. Ang kanyang ama ay isang karpintero habang ang kanyang ina ay labandera.
Maging si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay naantig sa kuwento ni Marianeth bagaman pinaimbestigahan niya ang pagkamatay nito.
Gayuman, iniutos ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hukayin ang bangkay ni Marianeth para matukoy ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito.