^

Probinsiya

Ama at 2 kuya ni Marianeth isasailalim sa drug test

- Joy Cantos -

Hustisya!

Isasailalim sa drug test ng pulisya ang ama  at dalawang nakatatandang kapatid na lalaki ng 12 anyos na si Marianeth Am­per, ang batang pi­ nagdu­dudahang binigti matapos gahasain at hindi  totoong nagpatiwakal dahil sa kahi­rapan sa Davao City.

Batay sa report, kabi­lang sa isasailalim sa drug test ang ama ni Marianeth na si Isabelo, 49 at dalawa niyang kuya na sina Isa­belo Jr.  at Renato, pawang nasa hustong gulang.

Naunang lumitaw sa awtopsiya na may lacerations sa ari ang bata na isang matibay na indi­kasyong ginahasa ang biktima.

Naghugas kamay  na­man si Isabelo Sr. na may kinalaman siya sa na­ganap na panggagahasa at pag­patay sa sariling anak at pinalabas lamang na nag­bigti ito upang ta­kasan ang krimen.

Inihayag ng pamilyang Amper na nabigla rin sila sa findings ng medico legal.

Magugunita na ipinag-utos ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang mas malalimang imbestigas­yon matapos mapabalita na pinunit umano at iti­nago ng posibleng salarin ang ilang pahina ng diary ni Maria­neth na may na­kasulat na maaring ito ang maging dahilan ng pag­hi­hiwalay ng kaniyang mga magulang.

Pinagdududahan ni Du­terte ang ama ng bata dahil hindi ito nag-report sa pu­lisya sa krimen na na­ganap sa kanilang tahanan noong Nobyem­bre 2 su­bali’t halos isang linggo na bago na­pabalita na nala­man la­mang sa mga kapit­bahay ng pa­milya. Bukod dito ay matindi umano ang pag­tutol nito na isailalim sa awtopsya ang bangkay ng anak dahilan kung lilitaw na na-rape ito ay baka siya pa ang mapagbin­tangan at iginiit na hindi niya ito ma­gagawa sa bata.

Ikinatwiran naman ng ama ni Marianeth na wala umano siyang alam sa ba­tas kaya hindi niya naire­port sa pulisya ang insi­dente.

Patuloy naman ang isi­nasagawang imbes­ tigas­yon ng mga aw­toridad upang mabig­yang hus­tisya ang si­napit ng ka­awa­awang biktima.

Naging tampok na ba­lita sa buong bansa ang sina­sabing pagpapati­wakal ni Marianeth da­ hil, batay sa mga naka­sulat sa kanyang diary, na­gawa niyang wa­kasan ang kanyang buhay dahil sa kahirapan at ka­wa­lang-pag-asa. Meron pa siyang isang sulat sa isang television program na hindi nya naipadala at humi­hiling ng mga gamit sa eskuwe­lahan, sapa­tos, bisikleta  at trabaho para sa kanyang mga magu­lang. Ang kan­yang ama ay isang kar­pintero ha­bang ang kan­yang ina ay laban­dera.

Maging si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay naantig sa kuwento ni Marianeth bagaman pi­naim­bestigahan niya ang pagkamatay nito.

Gayuman, iniutos ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hukayin ang bangkay ni Marianeth para matukoy ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito.

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

ISABELO SR.

MARIANETH

MARIANETH AM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with