^

Probinsiya

Batang dinukot pinugutan, kinatay

-

Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang batang lalaki matapos dukutin ay pinu­gutan at kinatay pa ng dala­wang miyembro ng kulto ka­hapon sa bayan ng Basilisa, Dinagat Province, ayon sa ulat.

Ang bangkay ng bikti­mang si Cedie Estoconing, 7, ay natagpuan sa creek na sakop ng Barangay Diegas na walang ulo, kaliwang tuhod at ang lamanloob nito ay nawawala.

Sa salaysay ni Rosa­marie, nawawala ang kan­yang anak noong pang Linggo ng Ok­ tubre 21 kaya ipinagbigay-alam niya sa kinauukulan.

Ayon pa sa ulat, lumapit kay Rosamarie, ang dala­wang suspek na sina Narciso Barrientos, 54 at Fermin Abear, 23, para hulaan ang kinaroroonan ng biktima kapalit ng P10,000.

Sa pahayag ni SPO2 Ruben Piodo, deputy chief of police sa bayan ng Basilisa, inamin naman ng mga sus­ pek na dinukot nila ang bata para ipatubos sa ina sa ha­lagang P10,000 subalit hindi nila akalaing mamamatay sa loob ng sako ng charcoal.

Nabatid na kinuha ng mga suspek ang internal organ ng bata para ibigay sa isang alyas Allan Nadunza na gagamiting ‘gayuma’.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng pulisya, ilang araw matapos madiskubre ang krimen, isang 10-anyos na bata ang nakasaksi sa da­lawa na tinatakpan ng mga dahon ng saging ang bang­kay ng biktima malapit sa bahay ng mga suspek.

May teorya ang pulisya na ang mga suspek ay miyem­bro ng kulto na gumagamit ng ‘gayuma’. Nakatakdang kasuhan ng pulisya ang mga suspek na napaulat na may mga kaso ring kinasasang­kutan sa iba’t ibang lalawigan.

ALLAN NADUNZA

BARANGAY DIEGAS

BASILISA

CEDIE ESTOCONING

DINAGAT PROVINCE

FERMIN ABEAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with