CAMP CRAME – Pinaniniwalaang pakikipagkalas ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 16-anyos na babae ng kanyang syota sa Barangay Talospatang sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan kamakalawa. Ang biktimang natagpuan sa loob ng palikuran na tadtad ng saksak sa katawan ay nakilalang si Sheryl Ballesteros, 3rd year high school student habang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Allan Poquiz, 27, ng Barangay Pogo, Malasiqui. Sa ulat ng PRO1 na nakarating sa Camp Crame, inimbitahan ni Poquiz, ang biktima sa binabantayan nitong bahay sa nabanggit na barangay para komprontahin sa isyung pakikipagkalas. May teorya ang pulisya na tumanggi ang suspek sa plano ng biktima kaya isinagawa ang pamamaslang.Samantala, nag-suicide naman ang isang 38-anyos na mister na si Dante Borrac ng Brgy. Nagrebcan, Bauang, La Union matapos na makipaghiwalay at sumama sa ibang lalaki ang kanyang misis. Ayon sa imbestigasyon, uminom muna ng lason si Borrac bago ibinitin nito ang sarili sa sanga ng punong mangga kung saan natagpuan siya ng mga kapitbahay. - Danilo Garcia