Patay ang isa katao habang dalawa pa ang malubhang nasugatan matapos magsagupa ang grupo ng dalawang magpinsang magkalaban sa pulitika sa Datu Blah, Shariff Kabunsuan, ayon sa ulat kahapon.
Gayunman, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng nasawi at mabilis namang isinugod sa pagamutan ang mga nasugatan.
Ayon kay Sr. Supt. Esmael Ali, hepe ng Datu Blah Police Station, naganap ang engkuwentro dakong alas-5 ng hapon noong Miyerkules matapos na magkrus ang landas ng grupo ng magpinsang sina Bai Puti Sinsuat at ng pinsan nitong si Girion Sinsuat. (Joy Cantos)