Barangay chief  itinumba

Isang bagong halal na barangay chairman ang namatay nang pagba­barilin ng limang arma­dong lalaki sa Barangay Esperanza, Ormoc City kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Rogelio Mingao, 37,  resi­dente ng naturang baran­gay at kahahalal lang bilang kapitan dito sa katatapos na halalan.

Nadakip naman ng pulisya ang dalawa sa mga suspek na sina  James Montero, 21 at Ricardo Caba­coy; pa­wang ng Barangay Boroc ng nasabing lungsod.

Lumalabas sa pa­ngunang pagsisiyasat na nag­panggap na pasa­hero ang mga suspek sa bus na mina­­maneho ng bik­tima bago nila ito pinag­babaril pagdating nila sa Sitio bulubun­duking high­way sa Sitio Sampaguita, Barangay Mas-in.

Sa hiwalay na ulat, isa pang bagong halal na barangay chairman sa Laguna at isa nitong ka­sa­mahan ang nasugatan nang tambangan at pag­ba­barilin sa Kalayaan, Laguna kamakalawa ng hapon. 

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Sandy Laganapan, 48,  bagong halal na chair­man sa Baran­gay San Antonio, Kalayaan; at isa nitong kabarangay na si Joseph Aseillo, 41. Lulan umano ng puting Toyota Corolla XL ang mga bik­tima nang tambangan sila ng mga armadong lalaki sa Barangay Lo­ngos sa nabanggit na bayan. (Joy Cantos)

Show comments