Lanao massacre: 3 todas, 3 pa grabe

CAMP CRAME – Bru­tal na kamatayan ang sinapit ng tatlong miyem­bro ng pamilya habang tatlong iba pa ang nasa kritikal na kondisyon ma­karaang ratratin ng mga ‘di-ki­lalang kalalakihan sa naganap na paniba­gong karahasan sa ba­yan ng Ganassi, Lanao del Sur kamakalawa. Kabilang sa mga bikti­mang pinas­lang ay sina Amanodin Marohum, 20; Danny, 12; at si Oly Marohum, 2; habang patuloy namang isina­salba ang buhay nina Kokolum, 45; Sad­dam, 19; at Baria, 39. Sa ulat na tinanggap ka­hapon ng Camp Crame, ban­dang alas-5:30 ng ha­pon matapos na pa­sukin at pagbabarilin ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay sa Ba­rangay Masolun, Ga­nassi. Ayon sa ulat ng pulisya, nakilala naman ang isa sa mga suspek na si Omar Salic na ngayon ay tugis ng pulisya. Joy Cantos

Show comments