SK member dinedo sa victory party
CAMP CRAME – Isang tinedyer na nanalong Sangguniang Kabataan councilor ang iniulat na pinaslang sa victory party sa bayan ng Hermosa, Bataan kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Leo Bagullo,17, isa sa nanalong SK member na nakabase sa Barangay Bamban ng nasabing munisipalidad.
Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Mark Gil Dacayo, 20, ng Dinalupihan, Bataan. Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen sa beach resort na sakop ng Barangay Bamban kung saan nagdaraos ng victory party ang grupo ng biktima kaugnay ng pagwawagi nito noong SK elections. Napag-alamang dumating sa nasabing resort si Dacayo kahit hindi imbitado sa victory party at agad na hinanap ang biktima saka kinamayan bilang pagbati sa pagwawagi nito. Gayunman, nang tumayo at naglakad na si Bagullo para puntahan ang iba nitong bisita ay pinagsasaksak ito ng suspect habang nakatalikod. May teorya ang pulisya na may kinalaman ang krimen sa katatapos na barangay at SK elections. Joy Cantos
Patayan dahil sa lupa
PNP clueless sa 2 kinidnap
KIDAPAWAN CITY – Clueless pa rin ang pulisya kaugnay sa pagkawala ng project engineer na si Morced Taglitis at isa pang kawani ng Islamic Da’wah Council of the Philippines (IDCP), isang NGO na pinopondohan ng Jeddah government. Ayon kay P/Chief Supt. Joel Goltiao, ARMM police director, nagpakalat na sila ng mga plainclothes men sa downtown Jolo sa Sulu para mangalap ng impormasyon tungkol sa pagkawala ni Taglitis at kasama niyang si Arsimin Kunnung na huling namataan papalabas ng ASY Penthouse sa nabanggit na bayan, noong October 31. ‘Di rin matukoy ng mga imbestigador kung anong grupo ang posibleng may hawak sa dalawa at hanggang sa ngayon, wala pang natatanggap na ransom note ang mga kaanak ng dalawa, ayon kay Goltiao. Napag-alamang sina Taglitis at Kunnung na dumalo sa isang training sa Zamboanga City bago tumuloy ng Jolo ay nag-momonitor sa mga scholarship project ng IDCP sa nabanggit na bayan. Malu Cadelina Manar
- Latest
- Trending