Buntis, 3 pa minasaker sa Taytay
Bandang alas-5:30 ng umaga nang matagpuan ng mga basurero sa
Kabilang sa mga biktima ay dalawang babae, isa rito ay apat hanggang limang buwang buntis pa na nasa mid 20’s ang edad at dalawang lalaki na nasa pagitan ng 35 hanggang 40-anyos.
Sa salaysay nina Mandy Saulog at Joven Gonzales, kapwa kawani ng Taytay Municipal Hall na tagahakot ng mga basura sa lugar, natagpuan ang mga bangkay sa tambakan ng basura sa Sitio Tapayan, Lupang Arienda.
Ang buntis na biktima ay nakasuot ng maong na pantalon at kulay puting t-shirt habang ang isa pang babae ay nakasuot ng dilaw na leggie at bulaklaking kulay pink na blouse.
Samantala, ang dalawang lalaki ay nakasuot naman ng maong na pantalon at kulay itim na t-shirt habang ang isa ay stripe na itim at puting T-shirt.
Ayon kay PO2 Arnold Timan, imbestigador sa kaso, nakagapos ang mga ka may at paa ng mga biktima habang tinakpan ng masking tape ang mga bibig at ilong.
May palatandaang pinahirapan muna ang mga biktima bago pinaslang at inilagay sa itim na plastic garbage bag.
Sinabi naman ni P/ Supt. Jaime Piloneo, hepe ng Taytay PNP, na posibleng dinukot at pinatay sa ibang lugar ang mga biktima saka itinapon sa naturang lugar para ilihis ang imbestigasyon.
- Latest
- Trending