Barangay chairman itinumba
CAVITE – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay chairman ng mga ‘di-kilalang kalalakihan na ikinasugat din ng tatlong kagawad nito sa naganap na panibagong karahasan sa Barangay Fatima 1, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi.
Napuruhan sa katawan ang biktimang si Barangay Chairman Dante Felismino ng nabanggit na barangay habang sugatan naman ang mga barangay kagawad na sina Saturnino Buenolirao, Renato Saulog at Anastacio Salarda.
Ayon kay PO3 Edgar Belza, lumilitaw na nagkukuwentuhan ang mga biktima sa harap mismo ng barangay hall nang lumapit at ratratin ang mga biktima.
Napag-alamang nanalong barangay chairman ang misis ng biktimang nasawi kung saan sinisilip ng pulisya ang anggulong may kaugnayan sa pulitika ang krimen. (Cristina Timbang)
- Latest
- Trending