ILOILO CITY – Naging trahedya ang masayang victory party ng mga nanalong kandidato ng barangay at Sangguniang Kabataan polls makaraang malunod ang anim na menor-de-edad sa beach resort sa Barangay Barobos sa bayan ng Carles, Iloilo kahapon.
Sa panayam ng Aksyon Radyo-Iloilo kahapon, kinilala ni Ana May Langrio, newly elected SK chair ng Barangay Malap-ok sa bayan ng Balasan, ang mga biktimang si Mary Ann Langrio, 13; Cielo Arinajo, 14; Risa Arinajo, 16; Eden Aglinao, 16; Mary Ann Labingh, 16 at si Lovely Bullos na kasalukuyang nawawala ay pinaniniwalaang nalunbod na rin.
Ang mga biktima na kabilang sa dumalo sa victory party ng mga nanalong opisyal ng barangay at SK sa Bunedia Beach Resort sa nabanggit na bayan ay idineklarang patay sa Jesus M Colmenares District Hospital sa bayan ng Balasan.
Ayon kay Langrio, lumilitaw na bitbit sa balikat ng mga lalaki ang anim habang naglalakad na palangoy sa may 300 metro ang layo sa dalampasigan.
Nabatid na binalaan ng isang mangingisda ang mga bik tima na bumalik sa dalampasigan hanggat mababaw pa ang tubig dagat.
Subalit ilang minuto pa la mang habang pabalik na sa pampang ay biglang tumaas na ang tubig dagat kaya hindi na nakayanang lumangoy ng mga lalaki at nabitiwan na ang mga biktimang hindi marunong lumangoy.
Nakaligtas naman sina Rey Ann Salle at Jeanette Salvador habang patuloy naman ang search and rescue operation sa nawawalang biktima.