^

Probinsiya

NPA officer tiklo

-

Nalambat ng  pinagsanib na mga operatiba ng militar at pulisya ang isang pinaghihinalaang opisyal ng mga rebeldeng New People’s  Army matapos na masukol sa raid sa safehouse nito sa Dalaguete, Cebu kamakalawa.

Kinilala ang naarestong rebel official na si Ricardo Bellamia alyas Ka Yuri/Ka David na hindi na umano nakapalag nang silbihan ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Sylvia Aguirre  Paderangga kaugnay ng kasong rebelyon na kinakaharap nito sa Danao City Regional Trial  Court.

Batay sa ulat, bandang alas-2 kamakalawa ng hapon nang arestuhin ang nasabing NPA leader sa safehouse nito sa bahagi ng Bgy. Casay, Dalaguete ng nabanggit na lala­wigan.

Bago ito ay nagsagawa muna ng masusing surveillance operations ang mga awtoridad sa lugar.

Nang maberipika ang presensya ni Bellamia sa kaniyang safehouse ay agad nagsagawa ng raid ang mga awtoridad  na nagresulta upang ito ay maaresto.

Sa tala, si Bellamia  ang siya umanong nanguna sa pana­nambang at pamamaslang sa apat na sundalo ng 78th Infantry Battalion ng Philippine Army sa magkakahiwalay na insidente sa   Dalid, Tabuelan; sa bayan ng Sumon; Kalang­gaman sa Tuburan at Baliang, Danao City. (Joy Cantos)

BELLAMIA

DALAGUETE

DANAO CITY

DANAO CITY REGIONAL TRIAL

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with