Paglikida sa mayor nasilat

CAMP CRAME – Kal­a­bo­so ang binagsakan ng isang dating barangay chairman  sa bigong pagtatang­ka na iligpit ang isang al­kalde na nagre­sulta rin sa pag­kasugat ng apat-ka­taong binaril nito kabilang ang dalawang pulis sa bayan ng Maragondon, Ca­vite may ilang araw na ang nakalipas.

Pormal naman kinasu­han ng pulisya ang  suspek na si Eliseo Pineda ng Ba­rangay Pacheco, Magalla­nes kung saan nakum­pis­kahan ng isang sniper AK47 assault rifle matapos na pasukin ang compound ng  bahay ni Maragon­don Mayor Monte Andaman, ang sinasabing target nitong itumba.

Kabilang naman sa nasu­gatan dahil sa tama ng bala ay sina P/Insp. Sajid Butac, deputy chief ng Mara­gondon PNP, SPO1 Rey­naldo Bel­tran, Xavier Angeles, 5; at ang traysikel dray­ber na si Larry Kasama. Na­pag-ala­mang napigilan ng mga secuirty aide ng alkalde ang pagpa­sok sa na­sabing compound ng sus­pek na may bitbit na baril.

Kaagad naman rumes­ponde ang mga pulis para ares­tuhin ang suspek subalit nakatakbo ito bago nag­pa­putok ng baril kaya tinamaan ang mga biktima.

 May teorya ang pulisya na hired killer si Pineda dahil may binabanggit na mga pangalan ng pulitiko subalit wala pang kongkretong ebidensya. Joy Cantos

Show comments