^

Probinsiya

Bangka lumubog: 5 lunod, 2 pa nawawala

-

CAMP CRAME – Inihabol pa ni kamatayan sa pagsapit ng  Undas, ang limang sibil­yan, habang dalawa pa ang nawawala makaraang lumu­bog ang isang pampasa­he­rong bangka sa  karagatang malapit sa Isla Pilar na na­sa­sakupan ng Camotes Is­land group sa Cebu at Ca­rican sa Sorsogon, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat na nakarating  kahapon sa Office of Civil Defense (OCD) na pinamu­mu­nuan ni Administrator Glenn Rabonza, kabilang sa mga namatay na pasahero ay sina Lyza Godenis, 32;  Ed­cel dela Cruz, 10; at Ming Ming Omolon, 50.

Nawawala naman hang­gang sa kasalukuyan sina Edgar dela Cruz, 34 at Warlie Godenis,10.

Samantala, ang mga na­kaligtas naman ay kinabibi­langan ng 15 tripulante ng M/V Anton 2 at mga pasa­he­rong sina Lilia Lorejas, Lyza dela Cruz, Mariel Amistoso, Rosselle Maagok  at  Mary Ann Orinaga.

Sa inisyal na ulat, ban­dang alas-5 ng hapon noong Miyerkules nang lumubog ang M/V Anton 2 sa bahagi ng Camotes Island may apat na oras matapos umalis sa pantalan ng Danao City, Cebu.

Napag-alamang aabot sa 12 pasahero at 15 tripulante ang lulan ng bangka kung saan pito sa mga pasahero at lahat ng tripulante ang nakaligtas habang dalawa pa ang nawawala.

Lumilitaw sa ulat, binalya ng malaking alon at ihip ng hangin ang bangka habang nagmamaniobra kaya tuma­gilid ito hanggang sa tulu­yang lumubog.

Sa kaugnay na kagana­pan, apat namang mangi­ngisda ang iniulat na nawa­wala makaraang lumubog ang bangkang pangisda na may lulang 13 tripulante sa karagatan ng Carican, Sor­sogon, ayon sa mga opisyal kahapon.

Patuloy naman ang search and rescue operations ng pi­ nagsanib na elemento ng Phi­lippine Coast Guard at Phi­lippine Navy sa mga nawa­walang mangingisda. (Joy Cantos at may dagdag ulat ni Garce dela Cruz)

ADMINISTRATOR GLENN RABONZA

CAMOTES IS

CEBU

CRUZ

SHY

V ANTON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with