CAVITE – Dalawang pulis ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa bisinidad ng Barangay Bucal II, Maragondon, Cavite kahapon.
Kinilala ang mga biktimang sina P/Insp Sajid Butac at SPO1 Reynaldo Beltran, na inambus habang nagpapatrolya kaugnay sa pagsapit ng Undas.
Napag-alamang nakipagbarilan ang dalawang pulis kahit sugatan kaya naitaboy ang mga armadong kalalakihan. Inaalam naman ng mga imbestigador kung may kinalaman ang mga rebeldeng New People’s Army sa naganap na insidente. (Cristina Timbang at Arnell Ozaeta)