^

Probinsiya

‘Munisipyo’ nilusob ng NPA: 2 pulis todas

-

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City  – Dalawang pulis ang iniulat na nasawi ha­bang dalawang iba pa ang nasugatan ma­karaang makipagsagu­paan sa mga rebel­deng New People’s Army na nagtangkang lumusob sa munisipyo ng San Juan sa Mas­bate kaha­pon ng umaga.

Sa inisyal na ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Baligi Agna­nayon Tira, nakatang­gap ng impormasyon ang pulisya na sasa­lakayin ng mga rebelde ang nasabing muni­sipyo.

Kaagad naman ku­malat ang pinagsanib na puwersa ng pulisya at nagsimulang sumik­lab ang bakbakan ban­dang alas-11 ng umaga sa Barangay San Pedro may ilang kilo­metro na lamang ang layo mula sa nasabing munisipyo.

Maging si Mayor Zenaida Lazaro ay humingi na ng tulong sa tropa ng 9th Infantry Division ng Phil. Army na kaagad na­man nagpadala ng  mga sundalo sakay sa apat na helicopter para suportahan ang mga pulis laban sa mga rebeldeng pinamu­munuan ng isang Ro­dolfo Magistrado, alyas Matutina.

Ayon sa ulat, na­ma­tay sa unang bukso ng putukan sina P/Insp. Francvo Andes at SPO1 Hernani Enri­quez ha­bang sugatan naman sina SPO1 Allan Villamor at SPO1 Her­mo­genes Laurio. (Ed Casulla)

ALLAN VILLAMOR

BALIGI AGNA

BARANGAY SAN PEDRO

ED CASULLA

FRANCVO ANDES

HERNANI ENRI

INFANTRY DIVISION

LEGAZPI CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with