Bata, 9-araw tulog

CAMP CRAME - Pi­na­niniwalaang naeng­kanto ang isang batang babae na siyam na araw nang hindi gumi­gising sa  liblib na lugar sa bayan ng Dumarao, Capiz, ayon sa ulat kahapon.

Batay sa ulat, nag­tataka ang pamilya Panes sa kalagayan ni Nene na may siyam na araw nang natutulog na hindi malaman kung buhay pa o patay na?

Ayon sa mga ma­ gu­lang ng bata, noong na­karaang linggo, su­makit ang ulo nito na animo’y tinatrangkaso subali’t hanggang nga­yon ay ayaw pa ring gu­mising kahit na anong yugyog ang kanilang gawin.

At ang nakapag­tataka ay hindi naman naninigas ang katawan ng biktima na tila ma­himbing lamang na na­tutulog.

Napag-alamang di­nala nila sa Barotac Nuevo District Hospital sa bayan ng Barotac Nuevo, Iloilo subalit hindi rin ma­laman ng mga dok­tor kung ano ang sa­kit nito, dahil pa­rang wala na itong dugo pero tumitibok pa ang puso.

Napag-ala­ mang nag­pasya ang pamilya Pa­nes na dal­hin na sa pu­ne­rarya pero hindi rin ito ka­agad  na-em­­bal­samo bunga na rin ng kahi­lingan ng ama ng bata.

Kasunod nito, nag­patawag ng albularyo ang pamilya Panes kung saan ay sina­sabing pinaglaruan ng engkanto ang bata kaya ibinalik na lamang sa kanilang bahay.

Noong Lunes ng Oktubre 22, namatay naman ang 4-anyos na bunso ng mag­kaka­patid na Panes, na si John Patrick.

Pero, bago ito na­ma­tay, sinabi nito sa ina, na hinihila siya ng mga engkanto dahil gusto ng mga ito na ku­nin ang buhay nilang mag­kakapatid.

Sa ngayon ang da­lawa pang anak ng pa­milya Panes na may edad na 6 at 8-anyos ay ka­tulad na rin ng isa pa nilang kapatid na nakaratay lang at wa­lang lakas ang kata­wan. (Joy Cantos)

Show comments