^

Probinsiya

Mga Karahasan sa Halalan

-

Kandidatong chairman itinumba

CAMP CRAME – Ilang oras bago ganapin ang barangay at Sangguniang Kabataan elections, isang kandidatong barangay chairman ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga armadong kalalakihan sa Barangay La­pok, Bukidnon kama­kalawa. Tatlong bala ng baril ang tuma­pos kay Patrocinio Enicito, 65, ng nabanggit na barangay. Napag-alamang bumisita ang biktima sa ilang residente para  mangampanya nang ratratin ng mga ‘di-kila­lang kalalakihan. (Joy Cantos)

2 kandidato niratrat sa Abra

CAMP BADO DANGWA, Benguet – Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang dalawang kandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan elections makaraang ratratin ng tatlong kalalakihan sa Sitio Barbarit, Cosili East, Benguet noong Linggo. Sa ulat ni P/Chief Supt. Eugene Martin, Cordillera  police director, sugatan sina Fernando Sabalo, 32, kandidato sa pagka-barangay chairman at si Desiderio Sa­baot, 28, samantalang nakaligtas naman ang ilang kasama ng dalawa. Ipinalalagay na pulitika ang isa sa motibo ng pa­mamaril dahil malakas na kandidato ang biktima sa kanilang barangay. Sinisilip din ng mga imbestigador ang anggulong paghihiganti. Sa follow-up operation nasakote ng pulisya ang mga suspek na sina Jestoni Baay, Marcelo Tarinay at si Erick Tadeo. (Myds Supnad)

Barangay bet dinedo sa poll precinct

ZAMBOANGA CITY – Binaril at napatay ang isang kandi­dato sa pagka-barangay chairman habang ito ay bumoboto sa poll precinct sa Sitio Tampalan, Malamawi Island, Basilan kahapon. Kinilala ni P/Senior Supt. Salik Macapantar, Basilan police director, ang biktima na si Omar Basir. Napag-alamang kabubukas pa lamang ng poll precinct nang lapitan at barilin ng ‘di-kilalang lalaki ang  biktima. May teorya ang mga imbestigador na kalabang kandidato sa barangay at SK polls ang isa sa gumawa ng krimen. Samantala, ilang miyembro ng board of election inspector ang hinaharas ng mga di-kilalang kalalakihan sa pagbubukas pa lamang ng polling precinct sa isang isla sa Zamboanga del Sur. (Roel Pareño)

BARANGAY

BARANGAY LA

BASILAN

BENGUET

CHIEF SUPT

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with