Bata pisak sa truck

CAMARINES  NORTE  – Napisak at namatay ang isang batang lalaki makaraang masagasaan ng truck sa gilid ng kalsadang sakop ng Purok 2, Barangay 6, Daet, Camarines Norte kamakalawa ng hapon.

Durog ang ulo ng biktimang si Clark Ivan Puse, 5, matapos na magulungan ng truck (NLD-471) na minamaneho ni Frisco Abayan Jr. ng Purok 1, Barangay Alawihao ng nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat ng pulisya, naglalaro ang biktima kasama ang isa pang bata sa naturang lugar nang mahagip ng truck na pinaniniwalaang hindi napansin ng drayber.

Pormal naman kakasuhan ang drayber habang nakapiit sa himpilan ng pulisya. (Francis Elevado)

Show comments