Ex-city councilor nilikida

CAMP VICENTE LIM, Laguna  –  Na­balot ng karahasan ang bis­peras ng ba­rangay at SK polls matapos pagbaba­rilin at mapatay ng ‘di-ki­lalang gunman ang isang ex-city councilor ng Sta. Rosa City, Laguna kahapon ng uma­ga. Kinilala ni P/Senior Supt. Felipe Rojas Jr., Laguna police director ang bik­timang si Raul Aala, 57 ng Lara Subdivision, Barangay Don Jose sa nabanggit na lungsod. Sugatan din ang isang negosyante matapos tamaan ng ligaw na bala na kinila­lang si Jose Espina ng Laguna Bel-Air at kasa­lukuyang nasa Southern Luzon Hospital. Napag-alamang, ka­tatapos lang magpaga­solina ni Aala ng KIA Sorento van (RTA-99) sa Shell station katabi lang mismo ng golf driving range na pag-aari ng biktima nang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril. Duguang bu­mulagta ang biktima, habang tumakas sa direksyon ng Tagaytay-Silang Highway ang mga suspek sakay ng kulay silver-gray van na walang plaka. Si­nisilip ngayon ng pu­lisya ang business or personal reasons ang posibleng motibo ng krimen pero hindi na ito dinetalye para hindi makaapekto sa gina­gawang imbes­tigas­yon. Arnell Ozaeta at Ed Amoroso

Show comments