CAMP CRAME – Lima-katao, kabilang ang tatlong bata ang iniulat na nasawi sa naganap na magkakahiwalay na landslides dulot ng patuloy na ulan sa Catanduanes, kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga namatay ay nakilalang sina Nelson Tanael, 37; Michelle Tenoria, 27; Nicole Marvin Tanael, 4; at Reinhard Tanael, 3, pawang naninirahan sa Barangay Bagong Sirang, Baras, kasama ang 10-anyos na si Carmela Olat ng Barangay Osmeña. Sa ulat ng National Disaster Coordinating Council, kabilang sa mga bayang sinalanta ng landslides ay ang Baras, Bato, San Miguel, San Andres at Caramoran. Apektado rin ang mga barangay ng Balongbong at Sibacungan sa bayan ng Bato; Boton, Pangilao, Buhi, at Siay sa bayan ng San Miguel; Lubas, Borocbosoc at Cabungahan sa bayan ng San Andres; Panabananon at Dariao sa bayan ng Caramoran; at mga Barangay Batolinao, Salvacion, Tilod, Paniquihan at Puraran sa bayan naman ng Ba ras. Patuloy naman ang relief good operations ng mga awtoridad sa mga apektado ng kalamidad. Danilo Garcia at Ed Casulla