Shootout: Lider ng holdaper gang todas

CAMP BADO DANG­WA,  Benguet  – Isang no­tor­yus lider ng  robbery/holdup at cattle rustling group ang iniulat na napatay maka­raang makipagbarilan sa mga pulis sa bisinidad ng Sitio Teltelpok, Barangay Edek sa bayan ng Kabayan kahapon. Sa pahayag ni      P/Chief Supt. Eugene Martin, Cordillera regional police director, nagtungo ang pang­kat ng pulis para i-serve ang warrant of arrest laban kay Leo Halipan, nang makipag­barilan imbes na sumuko. Si Halipan ay nakatala bilang ika-8 most wanted person sa nabanggit na rehiyon at lider ng Halipan Group. Napag-alamang nagpulasan sa iba’t ibang direksyon ang mga kasamahan ni Leo nang mamataang bumulagta ang kanilang lider. Ayon sa pulis, si Halipan na nahaharap sa  iba’t ibang  kasong kri­minal ay pinaniniwalaang nasa likod ng holdapan sa Baguio-Vizcaya Road at nakawan ng alagang baka sa hang­ganan ng Bokod at Kabayan sa Benguet. Myds Supnad

Show comments