Kawani ng munisipyo itinumba

CAVITE – Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 32-anyos na kawani ng munisipyo ng ‘di-kilalang lalaki sa Barangay Silangan 1, Rosario, Cavite ka­makalawa ng gabi. Dalawang bala ang tu­mapos sa buhay ni Ramil Villanueva Gonzales na nakatalagang guwardiya sa public cemetery ng nabanggit na bayan. Sa ulat ni PO2 Dario Carangalan, papasok na sa kanyang tahanan ang biktima mula sa malapit na tindahan nang lapitan at barilin ng ‘di-kilalang lalaki. Sa impormasyon nakalap ng pulisya, posibleng may kina­laman sa bentahan ng droga ang krimen. Cristina Timbang

Show comments