^

Probinsiya

Pastor ng JIL kinatay

- Ni Malu Manar -

KIDAPAWAN CITY – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang pastor ng Jesus is Lord Fellowship makaraang tadtarin ng saksak sa buong katawan ng ‘di-kilalang lalaki sa Sitio Lapan, Barangay Perez, Kidapawan City, North Cotabato noong Huwebes.

Walang lumutang na tes­tigo para magbigay ng tes­timonya sa pagkaka­paslang kay Martin Am­bong, 48, ministro ng Jesus is Lord o JIL Movement na nakabase sa nabanggit na lungsod.

Sa inisyal na pagsi­siyasat ni PO3 Jaime Muñez, wala ni isa sa mga kapitbahay ni Pastor Am­bong, ang naka­saksi sa krimen o naka­pansin na may pumasok  sa loob ng simbahan kung saan na­ninirahan ang nasabing pastor.

Nabatid na ang sim­bahan ay nasa paanan ng Mt. Apo at pawang mga katutubo ang miyembro ng JIL.

Maging ang misis ni Pastor Ambo nga ay wala rin sa naturang lugar at kinabukasan na nalaman ng mga kasambahay ang nangyari sa biktima, ayon kay PO3 Muñez.

Lumilitaw sa pagsusuri sa bangkay ng biktima na may labing-anim na sugat ng patalim sa harapan at labintatlo naman sa liku­rang bahagi ng katawan habang may tama rin sa mukha mula sa isang ma­tigas na bagay.

Kasalukuyang blangko ang pulisya para malutas ang karumal-dumal na pamamaslang sa na­bang­git na pastor na posibleng may matinding galit, dag­dag pa ni PO3 Muñez.

BARANGAY PEREZ

JAIME MU

LORD FELLOWSHIP

MARTIN AM

MT. APO

NORTH COTABATO

PASTOR AM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with