CEBU – Isang judge mula sa Bohol ang sinibak sa tungkulin ng Supreme Court dahil sa gross misconduct at immorality makaraang magreklamo ng bar attendant ng kasong rape noong 2005.
Sa desisyon ng Supreme Court en banc noong Oktubre 17, hindi makukuha ni Judge Manuel De Castro ng Municipal Circuit Trial Court, ang kanyang retirement benefits maliban sa accrued leave credits with prejudice to re-employment in any branch, agency of the government kabilang na ang government-owned or controlled corps.
Inatasan din ng Supreme Court si De Castro na mag-cease and desist from performing any official act bilang judge at magsumite ng paliwanag kung bakit hindi dapat siyang sibakin sa tungkulin.
Ang desisyon ng Supreme Court ay base sa rekomendasyon ng Office of the Court Administrator na si De Castro ay umakto “beyond the tolerable bounds of decency, morality and propriety.”
Napag-alamang binuksan ng Supreme Court, ang administrative case laban kay De Castro matapos na isu mite ng Office of the Bohol Provincial Prosecutor sa Office of the Court Administrator noong Abril 26, 2005, ang reklamong rape sa nasabing hukom, pitong buwan bago e-dismissed ng prosecutors
Nabatid na dinismis ng provincial prose cutor’s office kasong rape noong Oktubre 27, 2005 makaraang magsumite ng affidavits of retraction ang biktima at kanyang testigo kung saan nakalagay din sa nasabing affidavit na hinihiling ni De Castro sa Supreme Court na klaruhin ang kanyang pangalan sa anumang administrative liability.
Nakasaad sa desisyon ng Supreme Court, na ang recantation ay kahina-hinala because it is “exceedingly unreliable inasmuch as it is easily secured from a poor and ignorant witness, usually through intimidation or for monetary consideration.”
Base sa record, na noong Marso 29, 2005, dinala ang biktima ng judge sa storage room ng videoke bar at isinagawa ang krimen.
Mariin naman itinanggi De Castro ang nasabing reklamo laban sa kanya at sinisira lamang nito ang kanyang reputasyon at imahe bilang judge.
Hindi naman ikinaila ni De Castro ang kanyang presensya sa videoke bar at pagpaliwanag na nag tungo siya doon para tingnan ang interior layout ng bagong constructed na bar na pag-aari ng kanyang junior process server.
Subalit kahit na ang sumite ng retraction ang biktima ay napansin ng Supreme Court na hindi nagsumite ng affidavit ng kanyang mga kaibigan si De Castro na kanyang kasama sa bar na mag papatunay na siya ay inosente sa nasabing kaso.