^

Probinsiya

Hukom sinibak sa kasong rape

-

CEBU – Isang judge mula sa Bohol ang sini­bak sa tungkulin ng Supreme Court dahil sa gross misconduct at immo­rality makaraang mag­reklamo ng bar attendant ng ka­song rape noong 2005.

Sa desisyon ng Supreme Court en banc noong Oktubre 17, hindi makukuha ni Judge Ma­nuel De Castro ng Municipal Circuit Trial Court, ang kanyang retirement benefits maliban sa accrued leave credits with prejudice to re-employment in any branch, agency of the government kabilang na ang government-owned or controlled corps.

Inatasan din ng Supreme Court si De Cas­tro na mag-cease and desist from performing any official act bilang judge at magsumite ng paliwanag kung bakit hindi dapat siyang siba­kin sa tung­kulin.

Ang desisyon ng Supreme Court ay base sa rekomendasyon ng Office of the Court Admi­nistrator na si De Castro ay umakto “beyond the tolerable bounds of decency, morality and propriety.”

Napag-alamang bi­nuk­san ng Supreme Court, ang administrative case laban kay De Cas­tro matapos na isu­ mite ng Office of the Bohol Provincial Prosecutor sa Office of the Court Administrator noong Abril 26, 2005, ang reklamong rape sa nasa­bing hukom, pitong buwan bago e-dismissed ng pro­secutors

Nabatid na dinismis ng provincial prose­ cutor’s office kasong rape noong Oktubre 27, 2005 maka­raang mag­sumite ng affidavits of retraction ang biktima at kanyang testigo kung saan nakalagay din sa nasabing affidavit na hi­nihiling ni De Castro sa Supreme Court na kla­ruhin ang kanyang pa­ngalan sa anumang administrative liability.

Nakasaad sa desis­yon ng Supreme Court, na ang recantation ay kahina-hinala because it is “exceedingly unreliable inasmuch as it is easily secured from a poor and ignorant witness, usually through intimidation or for mone­tary consideration.”

Base sa record, na noong Marso 29, 2005, dinala ang biktima ng judge sa storage room ng videoke bar at isina­gawa ang krimen.

Mariin naman iti­nanggi De Castro ang nasabing reklamo laban sa kanya at sinisira la­mang nito ang kanyang reputasyon at imahe bilang judge.

Hindi naman ikinaila ni De Castro ang kan­yang presensya sa vi­deoke bar at pagpa­liwanag na nag­ tungo siya doon para tingnan ang interior layout ng bagong constructed na bar na pag-aari ng kan­yang junior process server.

Subalit kahit na ang sumite ng retraction ang biktima ay napansin ng Supreme Court na hindi nagsumite ng affidavit ng kanyang mga kaibigan si De Castro na kanyang kasama sa bar na mag­ papatunay na siya ay inosente sa nasabing kaso.

COURT

DE CAS

DE CASTRO

JUDGE MA

SHY

SUPREME

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with