Isa pang suspek sa solon slay tiklo

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Naaresto ng pinag­sanib na elemento ng Special Operation Group ng Rizal Provincial Police Office at ng 418th Police Mobile Group, ang isa pang suspek sa ambush-slay ni Abra Rep. Luis Bersamin Jr. habang nagta­tago sa bayan ng Baras, Rizal noong Linggo ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Freddie Panen, Rizal police director, ang suspek na si dating Abra Vice Mayor Freddie Dupo.

Si Dupo ay naaresto sa bi­si­­nidad ng Sitio Kilingan, Ba­­rangay Paenan bandang alas-6:30 umaga, isang araw mata­pos maaresto naman ang ka­sab­wat ni Dupo na si Sonny Taculao.

Sa tactical interrogation, iki­nanta ni Taculo si Dupo na siyang nagbayad ng P30,000 para umaktong lookout sa ga­ga­wing ambush laban sa solon noong December 16, 2006 sa Mt. Carmel Church sa Quezon City.

Naaresto si Taculao at Dupo sa bisa ng warrant of arrest na ipi­ nalabas ni Judge Lydia La­yosa ng Quezon City Regional Trial Court.

Nakumpiska mula kay Ta­ culao ang  isang kalibre 45 baril, samantalang wala na­mang nakuhang baril kay Dupo.

Inamin din ni Taculao na bi­­nig­yan siya ni  Dupo ng P20,000 para pambili ng mo­torsiklo na gagamitin sa surveillance ope­ra­tion laban sa na­banggit na solon. (Arnell Ozae­ta, Ed Amo­roso at Joy Cantos)

Show comments