3 mangingisda niratrat sa laot

BACOLOD CITY, Ne­gros Occ. – Tatlong ma­ngingisda na lulan ng bangka ang iniulat na na­wawala makaraang ratratin ng mga ‘di-kilalang kala­lakihan sa karagatang sakop ng Cauayan, Negros Occidental at Borisan Island, Guimaras sa naganap na karahasan noong Mi­yerkules (Oktubre 17), ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Modesto Sanson, Guima­ras provincial police director, nakilala ang mga bik­tima na sina Vivencio Bas­co, dalawang anak nitong sina Marvin, 17; at Gino, 20, pawang naninirahan sa bayan ng Nueva Valencia, Guimaras.

Ayon pa kay Sanson, posibleng nag-ugat ang insidente sa matinding awayan ng mga mangi­ngisda, subalit hindi rin iniaalis ang anggulong kapwa mangingisda ang gunmen mula sa Negros Occidental o kaya sa Gui­maras kung saan may mga ulat na lumabas na ang mga suspek ay pi­rata.

Napag-alaman na ang bangka ng tatlo ay tadtad ng bala ng baril matapos na matagpuan ng mga ma­ngingisdang nag-ulat na­man sa himpilan ng pu­lisya sa bayan ng Nueva Va­lencia sa Gui­ maras.

Idinagdag pa ni San­son, na posibleng may nasa­gasaang lambat ang bang­ka ng tatlo sa kara­gatan kaya gumanti naman ang may-ari nito.

Nakipagtulungan na ang PNP Maritime Command sa mga pulis-Guimaras para nahapin ang mga biktima. (Toks B. Lopez)

Show comments