Pekeng dentista dinakma sa kasong rape

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Kalaboso ang binag­sakan ng isang pekeng den­tista makaraang ares­tuhin ng pulisya sa kasong rape laban sa isang 16-anyos na babae sa San Pablo City, Laguna ka­ma­ka­lawa ng umaga.

Pormal na kinasuhan ha­bang nakapiit ang suspek na si Arnel Calabon, 38, ng Ba­rangay del Remedio, San Pablo City, Laguna.

Ayon kay P/Senior Supt Felipe Rojas, Jr, Laguna police director, dinakip si Calabon matapos magrek­lamo sa him­pilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Ara ng Barlete Subd. sa Barangay VI-E, San Pablo City.

Sa salaysay ng ina ng bik­tima, magpapaayos sana ng metal brace ang kanyang anak kay Calabon nang pag­hihipuan nito ang dalagita sa masese­lang parte ng kata­wan habang nasa loob ng klinika.

Napag-alamang hindi pa nakuntento ang suspek sa gi­nawa hanggang sa dinaliri pa nito ang dalaga na nag­bun­sod para maghain na ng reklamo sa pulisya.

Sa pagsisiyasat, napag-alaman pang peke ang na­sa­bing dentista matapos ma­bigong makapagpakita ng mga dokumento na nagpa­patunay na isa nga siyang doctor. Arnell Ozaeta

Show comments