Killer ni Rep. Bersamin naaresto

RIZAL – Naaresto ka­ha­pon ng mga operatiba ng pulisya, ang isa sa dalawang panguna­hing pumatay kay Abra Representative Luis Bersamin Jr. ma­tapos na ma­sa­kote ito sa kan­yang pinagta­taguan sa Ba­rangay Pinugay, Antipolo City,  Rizal.

Ayon kay P/Senior Supt. Freddie Panen, Ri­zal police di­rector, da­kong alas-6:30 ng uma­ga nang salakayin ang pi­nag­ta­taguan ng suspek na si Suny Taculao sa Sitio Corazon De Jesus ng nasa­bing ba­rangay.

Ayon kay Panen, si Tacu­lao ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Lydia Querubin-La­yosa ng Que­zon City Regional Trial Court 4th Branch 217.

Tugis naman ng pulisya ang isa pang suspek na may warrant of arrest din na nakila­lang si Vice Mayor Freddie Dupo ng La Paz, Abra, na naka­puga sa pi­nag­tataguan nito matapos na salakayin ng mga awto­ridad.

Matatandaang pinagba­baril hanggang sa mapatay ng mga suspek si Rep. Ber­samin sa bukana ng Mt. Carmel Church sa Doña Juana Rodriguez St, New Manila, Quezon City noong Disyembre 16 ng hapon matapos na dumalo sa kasal ng isang kamag-anak.

Bukod kay Bersamin ay napatay din ang bodyguard nitong si SPO1 Adolfo Or­tega. Edwin Balasa

Show comments