SBMA exec timbog sa kotong

SUBIC BAY FREE­PORT – Isang opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang iniulat na dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa isinagawang entrapment operation sa Subic Bay Freeport kama­kalawa ng tanghali.

Kinilala ni Atty. Magno Britanico, ang suspek na si Engineer Gregorio Riol, division chief ng Seaport Department sa  SBMA.

Ayon sa NBI, si Riol ay dinakip sa loob mismo ng kanyang tanggapan maka­raang tumanggap ng ma­lakihang halaga mula sa negosyanteng si Art Pa­dilla.

Napag-alamang naki­pag-ugnayan si Padilla sa NBI para ireklamo si Riol na humihingi ng malaking halaga para mapabilis ang pag-ayos ng papel at kon­trata ng kanyang karga­mentong ipinasok. Agad naman nagsagawa ng entrapment operation ang NBI at nadakip ang sus­pek.

Hindi naman kaagad nakapanayam si  Riol para maibigay ang kanyang panig tungkol sa naganap na insidente. Jeff Tom­bado

Show comments