Barangay kagawad bet nilikida

NUEVA ECIJA – Pi­nagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kan­didato sa pagka-barangay kagawad ng mga ‘di-ki­lalang kalala­kihan habang ang bik­tima ay nanga­ngam­panya sa Barangay Ta­buating, San Leonardo, Nueva Ecija, kahapon ng umaga. Sa ulat ng pulisya, apat na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Numeriano Sapiandante, 51, dating barangay captain sa Barangay Ta­gumpay ng bayang na­banggit bago lumipat ng tirahan sa Barangay Ta­buating. Agad na tumakas ang mga armadong ka­lalaki­han sakay ng motor­siklo. Malaki ang pani­niwala ng mga kamag-anak ng biktima na pu­litka ang isa sa motibo ng kri­men at ito ang kauna­unahang insi­dente ng karahasan sa Nueva Ecija sa unang araw  ng kam­panya para sa 2007 barangay at Sangguniang Kaba­taan elections sa Ok­tubre 29. Christian Ryan Sta. Ana

Show comments