Ex-DILG exec, pamangkin itinumba

CAMP CRAME – Isa na namang bayo­lenteng krimen ang naganap sa bahaging sakop ng Autonomous Region of Muslim Min­danao (ARMM) maka­raang ratratin at ma­pas­lang ang isang da­ting undersecretary ng Department of Interior and Local Government at pamangkin nito sa naganap na ambush sa bisinidad ng Ba­rangay Talibang sa ba­yan ng Indanan, Sulu kahapon ng uma­ga.

Kapwa bulagta sina Abdurahman Jamasali, alyas Commander Kong at pamangkin nitong si Wesher Um­ma.

Napag-alamang si Jamasali   ay   nata­long gubernatorial bet noong Mayo 14 midterm elections at tuma­tayong aide ni dating ARMM Governor at Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari na ngayon ay nakapiit sa kasong rebelyon.

Si Jamasali ay ak­tibo ring nakikipag­tulungan sa AFP troops laban sa mga bandi­dong Abu Sayyaf. 

 Sa inisyal na im­bes­tigasyon ni P/Inspector Julkiram Ka­nain, hepe ng Indanan PNP, ang mga biktima ay nagtungo sa nasa­bing lugar malapit sa Barangay Bunaza para makipagdiyalogo sa mga miyembro ng Moro National Liberation Front nang ratratin ng mga ‘di-kilalang ka­lalakihan.

Nabatid na kilalang balwarte ng MNLF rebel groups ang nasa­bing barangay pero maging ang mga ban­di­dong Abu Sayyaf na may ugnayan sa Al Qaeda ay nagkakan­long rin sa lugar.

Magugunita na si Jamasali ay naging aktibo rin sa negosas­yon upang palayain ang 21 bihag, kabilang ang 18 dayuhan na kinidnap ng mga ban­didong Abu Sayyaf sa Sipadan Beach Resort sa Sabah, Malaysia noong Abril 23, 2000  kung saan ang mga bihag ay itinago sa Sulu. Joy Cantos

Show comments