^

Probinsiya

305 pamilya inilikas

-

CAMP SIMEON OLA, Le­ gazpi City  – Dahil sa mala­kas na pag-ulan nitong Miyer­kules ng gabi, muling inilikas kahapon ang 270 pamilya (1,596) katao sa pangambang maapek­tu­han sa pagragasa ng lahar mula sa Mt. Bulusan sa Sor­sogon, ayon sa ulat ka­hapon.

Sa ulat na tinanggap ng National Disaster Coordinating Council (NDCC), kabilang sa inilikas na mga residente ay naninirahan sa mga Barangay Monbon, Cogon, Amukid, Pa­tag, Sto. Domingo, Talistisan at Mapaso na nasa bayan ng Irosin, Sorsogon.       

Ito ang ikalawang pag­likas ng mga residente sa mga naturang barangay ngayong linggong ito ha­bang patuloy naman ang pamamahagi ng relief goods ng lokal na  pama­halaan sa pangunguna ni Iro­sin Mayor Lilia Gonzales sa mga apektadong resi­dente.

Sinabi ni Gonzales na dahil sa hindi kayang i-accomodate ng munisipyo ang nasabing bilang ng mga evacuees, ang iba ay dinala sa mga paaralan, barangay hall at simbahan.

Nabatid na labis ang na­ram­damang takot ng mga re­sidente lalo ang mga nanini­rahan sa Ba­rangay Cogon bunsod na rin ng pag-apaw ng Ra­ngas River na umabot sa mga kaba­hayan kung kaya hindi na nagdala­wang-isip pang magsilikas ang mga ito.

Patuloy namang bina­ban­tayan ng mga kawani ng local na Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang tulay na maaring bumi­gay dahil sa pagbuhos ng lahar.

Samantalang maging ang mga kalsada patu­ngong Mom­bon at Cogon ay hindi na ma­daanan dahil na rin sa mudflow. (Ed Casulla at Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY MONBON

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

ED CASULLA

JOY CANTOS

MAYOR LILIA GONZALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with