2 todas sa mini-bus

BATAAN –  Dalawang estudyante ng Bataan Polytechnic State University (BPSU) ang iniulat na nasawi makaraang masalpok ng pampasaherong mini-bus ang motorsiklo ng dalawa sa harapan ng Villa Imperial Resort sa Roman Highway na sakop ng Barangay Lucanin sa bayan ang Mariveles, Bataan  kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Insp. Sonia Alvarez, ang mga biktimang sina Reylan Paule, 18, 1st year Information Technology student ng BPSU at Tris­­tan Joy Cerezo, 19, 2nd year Nursing student ng naturang uni­bersidad at kapwa residente ng Barangay Cabcaben,  Mariveles. Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng bus (CVC-5970) na si Nelson Quicho ng Barangay Daan Pare, Orion, Bataan. Napag-alamang magkaangkas ang dalawa sa motorsiklo nang mahagip ng bus habang papalabas ng nasabing resort. (Jonie Capalaran)

Show comments