4 barangay apektado ng lahar
Sa ulat na isinumite sa Office of Civil Defense na pinamumunuan ni Administrator Glenn Rabonza, umaabot sa 47 pamilya na may kabuuang 155-katao ang inilikas umpisa kahapon ng madaling-araw na pansamantalang nasa munisipyo ng Irosin.
Kabilang sa mga apektadong barangay ay ang Mombon, Mapaso, Cogon at ang Amukid kung saan malaking bahagi ng kanilang mga lugar ay umabot hanggang kalye ang baha habang hindi naman madaanan ang ilang pangunahing lansangan.
Sa report, partikular na apektado ng pagdaloy ng lahar ay ang mga river channels na nagsiapaw na rin at nagdulot ng mga pagbaha sa mababang lugar.
Sa tala ng OCD, na noong Lunes ng hapon ay muling nag-alburuto ang
Kaugnay nito, isang team ng volcano experts sa Sorsogon sa pangunguna ni Bella Tubianosa, ang idinispatsa sa lugar para magsagawa ng pag-iinspek syon sa pagragasa ng lahar.
Nananatili namang nakataas ang Alert level 1 kung saan mahigpit na ipinagbabawal sa mga residente na manatili sa 4-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) sa palibot ng bulkan. (Joy Cantos/Ed Casulla)
- Latest
- Trending