Dyipni hulog sa bangin: 26 sugatan

ANTIPOLO CITY — Dalawamput anim-katao ang iniulat na malubhang nasu­gatan makaraaang ma­hulog sa may 30 lalim na talam­pakang bangin ang pampasa­herong jeepney sa Sumulong Highway sa Ba­ran­gay Mam­bugan, Antipolo City, Rizal kamakalawa ng hapon.

Ayon kay P/Supt. Danilo Macerin, kabilang sa mga suga­tang biktima ay sina Jamod Ferrer,  Miguel Ber­nabe, Eddie Erda,  Apolinia Mangsat, Oscar Mangsat, Vincent Paulo Mangsat,  Ma­rikit Pejoda, Rowell Daracen, Diana Rose Dionisio, Ronald Clavejo, Efren Balanas, Carlos Beliren, Willie at asawang Florida Monteros, Analyn Manalo, Andrea Ma­nalo, Hanc Manalo, 5-anak ni Analyn at Hanna Sofia Ma­nalo, Purisima  Beniosa, Joel Gumeyeng, Nestor Fran­cisco, Janlien Ardo,  Jemar Fran­cisco, Gina Mino at Ante Gapusin, pawang nasa Anti­polo District Hospital at Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina City.

Samantala, agaw buhay naman ang driver ng jeepney (DVP-366) na si Graciano Ruperta Jr. 36,#55 Bonifacio st., Barangay San Jose, Anti­polo City, habang sugatan din si Martin Quigley, 36, trader, driver ng kotseng Nissan Patrol (XBV-258) ng Valle Verde 4, Pasig City.

Ayon kay PO2 Reynald Afable, nawalan ng preno ang jeepney saka sumalpok sa nakaparadang Nissan Partrol  ni Quigley at  nagtu­luy-tuloy na nahulog sa ba­ngin. (Edwin Balasa)

Show comments