Dyipni hulog sa bangin: 26 sugatan
Ayon kay P/Supt. Danilo Macerin, kabilang sa mga sugatang biktima ay sina Jamod Ferrer, Miguel Bernabe, Eddie Erda, Apolinia Mangsat, Oscar Mangsat, Vincent Paulo Mangsat, Marikit Pejoda, Rowell Daracen, Diana Rose Dionisio, Ronald Clavejo, Efren Balanas, Carlos Beliren, Willie at asawang Florida Monteros, Analyn Manalo, Andrea Manalo, Hanc Manalo, 5-anak ni Analyn at Hanna Sofia Manalo, Purisima Beniosa, Joel Gumeyeng, Nestor Francisco, Janlien Ardo, Jemar Francisco, Gina Mino at Ante Gapusin, pawang nasa Antipolo District Hospital at Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina City.
Samantala, agaw buhay naman ang driver ng jeepney (DVP-366) na si Graciano Ruperta Jr. 36,#55 Bonifacio st., Barangay San Jose, Antipolo City, habang sugatan din si Martin Quigley, 36, trader, driver ng kotseng Nissan Patrol (XBV-258) ng Valle Verde 4, Pasig City.
Ayon kay PO2 Reynald Afable, nawalan ng preno ang jeepney saka sumalpok sa nakaparadang Nissan Partrol ni Quigley at nagtuluy-tuloy na nahulog sa bangin. (Edwin Balasa)
- Latest
- Trending