Cell site uli sinunog

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Aabot sa milyong ari-arian ang nawasak makaraang sunugin ng mga rebeldeng New People’s Army ang cell site ng Globe Telecom sa Barangay Sibujo sa bayan ng Libmanan,  Camarines Sur kahapon ng umaga. Ban­dang alas-10:45 ang umaga  nang sala­kayin ng mga rebelde ang cell site saka dinisarmahan ang nag-iisang security guard. Binuhusan ng gasolina ang generator at mga gamit sa loob ng cabin bago sini­laban.  Ayon kay P/Senior Supt. Baligi Agnanayon Tira, hindi naman sinaktan ang guwardiya bagkus ay tinangay lang ang celfone at baril nito. Pinaniniwalaan namang hindi nakapagbigay ng revolutionary tax ang may-ari ng cell site. Ed Casulla

Show comments