^

Probinsiya

Lider ng holdaper dedo sa shootout

-

CAMP CRAME — Napatay sa shootout ang isang lider ng notoryus na robbery/holdup gang habang isa pa ang nasa­kote sa Barangay Marga sa bayan ng Tubod, Surigao del Norte, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang napatay na si Henry Tulero Medeja, tubong Misamis Occidental at may nakabimbing warrant of arrest sa kasong  murder at itinutu­rong lider ng notoryus  na Ma­yordo Gang na kaalyado ng Kuratong Baleleng Group.

Arestado naman ang kasa­mahan na si Rodulfo Ulpindo Cortes ng Barangay Liloan ng nabanggit na bayan.

Sa naantalang ulat na ti­nanggap kahapon ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., naharang ng mga awtoridad sa pangunguna ni PO2 Zosimo Torrecampo Jr. ang mga suspek lulan ng motorsiklo.

Sa halip na huminto ay pi­na­harurot pa ang motor­siklo at nagpaputok kaya gu­manti ang pulisya.

Nagawa pang makapag­tago ng mga suspek sa bahay na pag-aari ng pamilya Maca­lolot subalit naaresto si Cortes habang nakipagbarilan naman si Medeja sa pulisya.

Tumagal ng halos dala­wang oras ang palitan ng putok hanggang sa magawang ma­pasok ng mga pulis ang bahay at nakita ang duguang bang­kay ni Medeja sa loob ng banyo. Joy Cantos

vuukle comment

BARANGAY LILOAN

BARANGAY MARGA

CHIEF DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

HENRY TULERO MEDEJA

JOY CANTOS

KURATONG BALELENG GROUP

MEDEJA

MISAMIS OCCIDENTAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with