2 NPA todas sa engkuwentro

CAMP SIMEON OLA  Legazpi City — Dalawang miyembro ng rebeldeng New People’s Army ang nasawi sa pakikipagsagupaan sa mga sundalo ng 2I IB ng Philippine Army kahapon ng umaga sa Sitio Pagdiwitan, Barangay Toytoy, Garchitorena, Cama­rines Sur.

Nakilala ang nasawing rebelde na sina Victor Cor­poral, 35 at Billy Alarcon, 49, kapwa residente ng Baran­gay San Roque sa naturang barangay.

Ayon kay 2Lt. Nelton Facu­dan, team leader ng mga sundalo, nagpapatrulya sila sa Sitio Pagdiwitan nang makasagupa nila ang may 20 rebelde.

Ang bangkay ng dala­wang nasawing rebelde ay kaagad naman na dinala sa himpilan ng pulisya upang ibigay sa kani-kanilang mga pamilya. (Ed Casulla)

Show comments