Aabot sa P7.5 milyong ukay-ukay (imported used clothing) ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Port of Cebu noong Biyernes ng Oktubre 5.
Sa ulat ni Atty. Julito Doria, hepe ng BOC X-ray Scanning Project, ang kontarbando na nakalagay sa limang 40-footer container van at idineklarang used article ay nadiskubre matapos isalang sa X-ray scanning sa Port of Cebu.
Lumilitaw sa mga dokumento, na ang kontrabando ay naka-consigned sa Budeac Trading na dumating sa nabanggit na pantalan noong Sept. 22 mula sa South Korea.
Nagpalabas na ng warrant of seizure at detention si Cebu Customs Collector Ricardo Belmonte laban sa kargamentong ukay-ukay na mahigpit na ipinagbabawal na ipasok sa bansa.
Pormal naman kakasuhan ang importer ng ukay-ukay dahil sa paglabag sa labas sa ilalim ng Section 3601 ng Tariff and Customs Code at Article 172 ng Revised Penal Code. Edu Punay