^

Probinsiya

P7.5-M ukay-ukay nasamsam

-

Aabot sa P7.5 milyong ukay-ukay (imported used clothing) ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Port of Cebu noong Biyernes ng Oktubre 5.

Sa ulat ni Atty. Julito Doria, hepe ng BOC X-ray Scan­ning Project, ang kontar­bando na nakalagay sa limang 40-footer container van at idineklarang used article ay nadiskubre mata­pos isalang sa X-ray scan­ning sa Port of Cebu.

Lumilitaw sa mga doku­mento, na ang kontrabando ay naka-consigned sa Bu­deac Trading na dumating sa nabanggit na pantalan noong Sept. 22 mula sa South Korea.

Nagpalabas na ng war­rant of seizure at detention  si Cebu Customs Collector Ricardo Belmonte laban sa kargamentong ukay-ukay na mahigpit na ipinagbabawal na ipasok sa bansa.

Pormal naman kakasu­han ang importer ng ukay-ukay dahil sa paglabag sa labas sa ilalim ng Section 3601 ng Tariff and Customs Code at Article 172 ng Re­vised Penal Code. Edu Punay

BUREAU OF CUSTOMS

CEBU CUSTOMS COLLECTOR RICARDO BELMONTE

EDU PUNAY

JULITO DORIA

PENAL CODE

PORT OF CEBU

SHY

SOUTH KOREA

TARIFF AND CUSTOMS CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with