Pacman, ginawang endorser sa barangay eleksyon

CAMARINES NORTE — Ginamit ng ilang kandidato sa barangay eleksyon ang laban nina Pacman at Barrera para manalo makaraang magpaka­bit sila ng cable TV para pano­orin ng libre ang kanilang ka­barangay kamakalawa ng tanghali.

Napag-alamang tat­long araw bago maglaban sina Pacquiao at ang Mexican boxer na si Marco Antonio Barrera, naging abala ang mga kandidato sa barangay elek­syon matapos na ipagkalat sa kanilang kabarangay na live na mapapanood sa kanilang bakuran ang laban ng dalawa. Marami ang natuwa sa gimik ng isang kabesa sa kanilang barangay sa bayan ng Daet kaya ginaya naman ng karami­hang kandidato na libre pa meryenda. Napag-alamang aabot sa P500 ang pagpapa­kabit ng pay-per-view ng kon­trobersyal na boxing, saman­talang sa mga business estab­lish­ment naman ay nagkaka­halaga ng P25,000.

“Malaking tulong rin sa amin ang laban ni Pacquiao na posibleng ikapa­panalo din namin”  pahayag ng isang kan­didato sa Barangay Lag-on sa bayan ng Daet. Nagmistula na­mang Santa Klaus si Governor Jesus Typoco Jr. sa kanyang maagang Pamasko sa mga kababayan matapos na napa­nood ng libre sa Agro Sports Center ang laban ni Pacquiao na may kapasidad na 10,000-katao. Halos hindi ma­hulugan ng karayom ang loob ng sports complex maka­raang dumugin ng mga apes­yonado sa bok­sing at mga tagahanga ni Pacquiao.

Naging solusyon din ang laban nina Pacquiao at Barrera kung saan walang trapiko sa nasabing bayan dahil sa hindi naglabasan ang mga kolorum at naglalakihang sasakyan.  (Francis Elevado)

Show comments